Republic of the Philippines · Department of Agriculture · RFO 5 Bicol
All articles
RFFA

Rice Farmers Financial Assistance Distribution Conducted at DA-RFO 5

September 10, 2025 DA-RFO V, PiliBy Ian S. Undecimo
Rice Farmers Financial Assistance Distribution Conducted at DA-RFO 5

Mahigit 781 benepisyaryo mula sa Camarines Sur ang nakatanggap ng RFFA sa covered court ng DA-RFO V noong September 10, 2025.

Ngayong araw September 10, 2025 ay ginanap ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa covered court ng Department of Agriculture Regional Field Office V. Dito ay nakatanggap ng pinansyal na ayuda ang ating mga Ka-RSBSA mula sa lalawigan ng Camarines Sur, kung saan mahigit 781 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong.

Layon ng programang ito na maibsan ang gastusin ng mga magsasaka at matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan sa kabila ng mga hamon sa sektor ng agrikultura. Sa pamamagitan ng RFFA, naipapakita ang patuloy na malasakit at suporta ng pamahalaan sa ating mga magsasaka bilang katuwang sa pagpapalago ng produksyon ng bigas at pagpapanatili ng seguridad sa pagkain.

Present din sa nasabing aktibidad ang RSBSA Info Hub upang magbigay ng tulong sa registration ng ating mga Ka-RSBSA at sumagot sa iba't ibang katanungan patungkol sa RSBSA program. Sa ganitong paraan, mas napapalapit sa ating mga magsasaka ang mga kinakailangang serbisyo at impormasyon.