Republic of the Philippines · Department of Agriculture · RFO 5 Bicol
All articles
RFFA

Handog ng Pangulo: 1,002 Ka-RSBSA Receive RFFA at Fuerte Sports Complex

September 13, 2025 Fuerte Sports ComplexBy Ian S. Undecimo
Handog ng Pangulo: 1,002 Ka-RSBSA Receive RFFA at Fuerte Sports Complex

Mahigit 1,002 Ka-RSBSA ang nakatanggap ng RFFA sa Handog ng Pangulo kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.

Ngayong araw, September 13, 2025, ay ginanap ang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat sa Fuerte Sports Complex, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. Sa nasabing kaganapan, iba't ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Agriculture, ang naghatid ng iba't ibang uri ng tulong at serbisyo para sa mga mamamayan. Isa na rito ang RFFA distribution kung saan mahigit 1,002 Ka-RSBSA ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda.

Ang mga ganitong kaganapan ay naglalayong mas mapalapit ang ating mga kababayan sa mga serbisyong inihahatid ng pamahalaan upang mas mapabuti at mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Bukod sa pagbibigay ng agarang tulong, nagsisilbi rin itong pagkakataon upang marinig ang mga hinaing, pangangailangan, at suhestiyon ng mga magsasaka at iba pang sektor sa komunidad. Sa pamamagitan nito, naipapakita ng pamahalaan ang tunay na malasakit at pagnanais na maitaguyod ang kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa kanayunan.